Sunday, February 13, 2011

Hapi Pre-Valentines Day!!!

              Sunday ngayon. Dapat gagala ako with my classmate pagkatapos naming mag-simba kaya lang, hindi naman ako pinayagan ni Mother Superior...T^T. Nung si Tatay naman yung niyaya ko, sabi niya may date daw sila ni Mother Superior. Yung mga kapatid ko naman, may mga kanya-kanyang agenda rin.


            Sabi ko tuloy sa sarili ko: Andaya naman! Lahat ng tao sa bahay may mga kanya-kanyang ka-HHWW. Samantalang ako, andito sa bahay, nanonood ng ASAP. Kakain na nga lang ako ng ginisang gulay!


           So, kumain na nga lang ako ng ginisang gulay. Habang lumalapang ako ng aking pananghalian, naalala ko..Oonga pala, bukas na Valentines Day. Sure ako, pagpasok ko bukas ng school, puro blooming 'sila'. Sure ako, madaming magpapalitan ng mga regalo, roses, dedications at cheesy lines...Jeez, I hate those stuffs!!(Kunwari galit ako^.^). Hopeless Romantic ako pero ayoko ng naiinggit. Paano na lang pala kung wala akong matanggap bukas? Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa mga mahaderang classmates ko??? 'Wag na lang kaya ako pumasok bukas?


          Pero No!! Pag hindi ako pumasok bukas, mas lalo lang akong magmumukhang kawawa. Iisipin nilang naawa ako sa sarili ko at para ko na ring inamin na malamig ang Valentines ko(kahit sa totoo lang e, ang init-int dito sa lugar namin). Malay mo naman, may natanggap din ako. Kahit mula sa isang tao lang, pwede na 'yun...tsaka Valentines is not about material things naman, di ba? Bakit ba ako masyadong kinakabahan kung wala akong matanggap bukas?


         Oh, well...Kahit na mukhang deppressed ako ngayon, let me greet you Hapi Day pa rin...


         Nag-bunga naman ang pagkain ko ng ginisang gulay kasi pagbalik nila Tatay at Mother Superior mula sa kanilang Pre-Valentine Date( Of all places, sa Manila Zoo pa!!!...joke lang. Nag-Manila Zoo daw sila tapos diretso mall kaya parang ganun na rin..), may baon silang pasalubong sa akin. Naka-plastic ng isang Christian Bookstore kaya malamang libro yun. Pero gulat ako ng makita ko kung ano'ng klaseng libro laman nun...


         "Bible?!?!" wide-eyed na sabi ko pagkakita sa New International Version Bible na kulay Pink(kahit kailan, hindi talaga ako kilala ng parents ko. I hate Pink. Sana Green na lang o di kaya Black). 


            "O, ba't parang gulat na gulat ka sa pasalubong namin sa'yo?" asik naman sa akin ni Mother Superior. Nanlaki rin yung mga mata niya kaya hindi na lang ako nagsalita uli. Andami ko sanang gustong itanong.


           Mother Superior said something na parang ganito: "Dapat lang na 'yan ang basahin mo para maliwanagan ka sa buhay na tatahakin mo pag nag-College ka na...hindi yung kung anu-ano yung mga pinagbabasa mo..."


            Tumango na lang ako kahit na deep inside, nagugulumihanan ako. Hindi ko alam kung ano yung ibig niyang ipakahulugan nang sabihin niyang "kung anu-ano na lang daw binabasa ko". Ano sa mga binabasa ko ang tinutukoy niya? Mga Pocketbooks O mga Blog entries?(lately kasi, napapansin ni Mother na panay ang tipak at tutok ko sa Laptop ko..) Or baka naman both?


          Pero Hapi, Yipee, Yehey pa rin ako. Yung NIV Bible na yun kasi yung first gift na na-receive ko mula sa parents ko ngayong 2011. Memorable pa rin.


          Pero hindi ko talaga ma-gets mga magulang ko ngayon? Malapit na bang magunaw ang mundo kaya gusto nila akong busugin ng Word Of God?? Wala namang problema sa akin 'yun, e. Yun nga lang...Bible as a Pre-Valentines Day gift? From my Parents???


            Hmmm, mamaya nga kokonsultahin ko ang aking Jeprox na tatay about this...

2 comments:

  1. hmmm una maraming salamat sa pag palo at pagdaan sa aking blog.. at pinalo na din kita at ini add sa list ko..

    pangalawa, ung thinking natin bout vlanetines masyado ng commercialized.. like choclates, like flowers.. bakit ba special yan sa isang relasyon lalo na ngayon v-day nga? hindi naman sa bitter diba? ako, i treat this day as ordinary day.. mas importante pa sakin ang edsa day kesa dito. Araw ng mga puso at araw ng pagibig, at dapat lang na ang araw arw hindi lang ang feb 14 icelebrate ang araw ng pag ibig, dapat daily at hindi na nid ang chocolates at flowers, pampakilig lang yan, ang importante, nagmamahal tayo at iyon ang tunay na kasiyahan...

    hmmm tungkol sa bible.. siguro nga basahin mo yan hehehe.. joke.. thats ng great gift na maaring mareieve ng gaya ma sa ganitong okasyon.

    mahaba na ang komento ko.. sorry naman, nawili mag type eh hahaha..

    happy balentayms.. at salamat muli.,.

    ReplyDelete
  2. wow..taray ang ganda ng relationship mu with your family ahhhh...maka-asap ka din! husay nu!!! jeje..

    ReplyDelete