Friday, February 11, 2011

Pumpampumpampum!

            Hindi ata araw ngayon ng mga cute. Nahulog ako sa hagdan kanina sa school. Grabe, nasira poise ko. Buti na lang nauna sa pagbaba ng hagdan yung kasama ko. At dahil nakatalikod siya sa akin, hindi niya nakita yung 'crime' ko. Napatayo agad ako bago pa siya lumingon.

            "Ano'ng nangyari sa'yo, dear?"
            "Wala lang." Gusto ko sanag ikuwento sa kanya yung nangyari sa akin para naman matawa siya kaya lang naisip ko, 'wag na lang. Hindi naman niya nakita, e.
            "Akala ko, nahulog ka."
            "Hindi, a." Hindi ka nagkakamali!
            Lumingaon ako sa likuran ko and to my surprise...andami palang College students sa second floor. May isang group ng mga babaeng College 'dun na titig natitig sa akin. Parang hinihintay pa nila yung part two ng Royal Slide ko. Tapos hindi pnakaligtas sa mga mata ko yung ginawa nilang paghahagikgik.
         
            Gusto ko tuloy maiyak. Pinagtatawanan nila ako, hindi ko naman sila kilala...At ang kakapal ng mukha nilang pagtawanan ako! Mga mukha naman silang tuod, hindi sila magagaganda!!( Akala mo kung sino akon maganda kung makalait, e, 'no?)

            Nung makababa na kami ng Ground Floor, saka ko lang uli sinulyapan yung letseng hagdanan kung saan ako nag-slide.

            Goodness, ilang baitang ba iyon, anim?

            Saka ko lang naalala( at naramdaman) na masakit pala ang pang-upo ko. Hindi ako nagpahalata sa kasama ko na namimilipit ako sa sakit. Awang-awa ako sa sarili ko. Nag-echo sa utak ko 'yung sound effects ng pagkakahulog ko.

           Pumpampumpampum...

          Sira tuloy buong araw ko.

2 comments:

  1. Nyahahha..okay lang yan..dapat nakitawa ka na lang sa kanila..hahahha... :) ang royal naman ng pagbagsak mo.. nyahahah.. pero okay lang yan... may kaibigan nga ako tumalon sa 20 baytang o higit pa... pero dahil yun sa tumatakbo siya palayo sa baranggay..hahaha

    salamat sa apg-follow. :)

    ReplyDelete
  2. you could have laughed with them. para nalaman nila na ok ka lang. haha! =))

    ReplyDelete