
Sa classroom namin, ubod talag siya ng tahimik. Mga kinakausap lang niya, yung mga kapwa niya boys. Kaya naman nang tabihan niya ako at magsimula siyang kausapin ako, muntikan na akong himatayin! First time kasing mangyari na siya yung lumapit sa akin. Dati kasi, nakakausap ko lang siya 'pag nagiging magkagrupo kami( which is laging nangyayari, ewn ko ba ). Yung tipong pure academics lang ang pag-uusapan. Pero nung araw na iyon, tinabihan niya talaga ako ng upuan. Kinausap pa niya ako.
Ito ang ilan sa mga naging palitan namin ng salita:
"Mish..." narinig kong tawag sa akin ni Apollo matapos niyang maupo sa upuan ni Zes( my darling friend na katabi ko).
Nag-angat ako ng tingin mula sa tinatapos kong assignment sa Calculus. Nagulat pa nga ako kasi na-realize ko na dikit na dkit yung upuan niya sa upuan ko. Ang lagay tuloy, e, ang lapit ng mukha ko sa mukha niya. "Yo?"
"Sasama ka ba ng JS?"
Natigilan ako sa tanong niya. It was not the question I was expecting from him to ask me. Bakit, mag-vovolunteer ba siyang maging date ko??? Aba'y kung ganun, hinding-hindi ako tatanggi!!! "Oo naman!," sagot ko na lang. "Bakit?" kilig na kilig na tanong ko . Pero siyempre hindi ako nagpahalata. Mamaya, isipin niya na malandi ako. Baka ma-turn off.
Sabi niya, secret daw. E, ako, 'pag mga ganyang sagot, 'di talag ako nakokontento. Pinilit ko siya ng pagkatakut-takot.
"Akin na lang iyon," sabi niya. "Ang kulit mo."
"Curious lang naman ako, e. Bakit ba kasi?" nagpaawa-effect ako sa harap niya. At the same time, nagpa-cute na rin. Sa wakas bumigay rin siya.
"'Di ba kilala mo yung kapatid kong Third Year?"
"O? What about him?" I don't care about him! Ikaw ang gus2 ko!!!
"Gusto niya kasing mag-request sa Committee na ipartner siya sa'yo..."
Kumunot agad ang noo ko. "Bakit?" Ayoko nga! Ikaw nga ang gus2 ko!!!!
"Ano kasi...Crush ka 'non."
Laglag panga ko. "WEH?!"
"Wag mo sasabihing sinabi ko sayo, ha? Mahihiya 'yun. Mahiyain kasi yun, e."
A. Parang ikaw. Magkapatid nga talga kayo...
Nagpatuloy si Apollo. "Kunwari, hindi mo alam na crush ka niya. Gusto kasi 'non, maging close kayo. Bago man lang daw tayo g-um-raduate."
"So, ikaw ang dakilang tulay?"
"Ano?"
"Irereto mo siya sa akin?"
"Oo, sana..."
Napalunok ako sa mga pinagsasabi ng kaharap ko. Oo nga at nakaka-flatter ang masabihan na crush ka ng isang tao. Lalo na sa part ng mga teenagr na babae. Pero nung mga time na 'yon, 'di ko magawang kiligin. touched ako, pero hindi ako kinilig.
Crush ako...ng kapatid ng crush ko! At yung crush ko naman, walang kaalam-alam na crush ko siya. Gusto pa akong "ibigay" sa kapatid niya. Kung hindi ba naman tanga!
"Bakit kasi ano, e..." sabi ko.
"Bakit kasi ano?" tanong ni Apollo.
Bakit kasi hindi na lang tayo? "Bakit ako yung nagustuhan ng utol mo? E, ang dami namang magagandang juniors, a!" maktol ko. Tutol talaga ako sa ideyang magiging "brother-in-law" ko si Apollo!
Nagkibit-balikat si Apollo-dearest. "YOU'RE CUTE KASI..."
Nag-twitch ata ang puso ko sa sinabi niya.Napa-straight tuloy yung likod ko sa upuan ko. Again, they were not the words I was expecting from him to say to me. Akala ko ba, mahiyain siya at 'di marunong makipag-usap sa babae? Yet, there he was, making me the happiest girl on earth by just telling me I'm Cute:-).
I'm Cute pala, ha...Then, why don't you ask me out?
Sasabihin ko na sana 'yon nang biglang tawagin sa Apollo ng isa pa naming classmate na EPAL Tumayo tuloy si Apollo tapos iniwan ako.
Just like that. Laglag uli panga ko. Yun lang 'yon? Wala ba talaga siyang balak na i-date ako, pagkatapos niya akong sabihan na CUTE? Not that I was desperate or something...Pero haller?! Supalpal kaya beauty ko!!!
Akala ko pa naman nung lapitan niya ako tapos magtanong kung sasama ako ng Prom, interested na siya sa akin. Antaas na sana ng hopes ko kasi 'di ba nga, miminsan lang kaming magkausap ng geek na iyon?!
At ako naman si Feeling...Bakit pa ba ako umasang magkakagusto rin yun sa akin???
Hay, naku! Sa totoo lang, nahihiwagaan na ako sa lalaking iyon! Onti lang barkada niya. Puro boys pa. Wala siyang GF. Never pa ata siyang nagka-GF. Sobrang organized ng buhay at mga gamit niya (Jeez, exact opposites talag kami!). Hypochondriac pa ata ang loko. Takot sa Germs...Minsan ko nang naitanong sa sarili ko...IS HE GAY???
Juskoh! 'Wag naman po sana! Susumpain ko sarili ko once na mapatunayan kong nagkagusto ako sa isang bading!!!!
Yamot na yamot ako pagkatapos 'nung conversation namin. Hindi ko tuloy natapos yung assignment ko sa Calculus. Antanga ko talaga! Nakatabi ko na si Boy Genius, hindi pa ako nag-patulong sa kanya...
Lunch. May baon akong Ginisang Ampalaya na favorite dish ko. Pero wala akong ganang kumain noon. Nakita ko sa Counter, may Bulalo. Hindi ako mahilig 'dun pero nung time na yon, parang gusto kong mag-Bulalo.
Correction, gusto kong magpakalasing sa Bulalo.
No comments:
Post a Comment