WoooH!! I'm back sa blogger. Grabe antagal ko din nawala dito. Ano nga bang pinagkaabalahan ko this past few days????
Hmmmm, actually, wala rin akong excuse letter na maibibigay(O.O parang sa classroom lang, a!)...Kung may medical certificate lang sana na maibibigay ang doktor sa sakit na KATAM. Katamaran:-).
Oo na, Inatake ako ng katamaran sa pagsulat last week. I hate to admit kasi nakakahiya (wow, para namang may kahiya-hiya pa sa buhay ko!!). Kasi sa totoo lang, common na sa mga Pilipino ang sakit na iyon. Flaw nga bang matatawag iyon? Kung hindi siya "flaw" e, ano?
I'm not proud of being tamad! Kaya nga gusto ko nang magpa-lay hands sa mga pastor ng Jesus Is Lord para ma-drive out na ang espiritu ng katamaran sa katawan ko. At dahil nasama na rin ang pangalan ni Lord sa usapan, gusto ko nga palang magpasalamat sa kanya. Nabago ang takbo ng buhay ko ngayon. Bakit, dahil nabago ang perspective ko sa buhay:-D At dahil nga nandito nga naman ako para magdaldal, allow me to share my realization to you all...
Love is for the living. Habang buhay ka, you've got the million-dollar opportunity to love the people around you. At hindi lang pala siya opportunity...it's a gift. And know from who??? Kay Lord (O, di ba, nasasabi ko na ang pangalan Niya sa blog ko. Meaning, I got the chance to get close with Him. Haha. Close na kami ni Bro!!!) Kaya nga there's a reason why they call it Love Life....
Hmmm, alam ko obvious naman ang bagay na iyon sa mga tao ngayon. Alam ko alam niyo narin 'to...Pero la lang, I'm happy pa rin kasi kahit papaano may na-realize na naman ako. Kahit na siguro tingin ng iba it's so "petty". Kahit na ba. Na-realize ko kasi na 'pag patay ka na, hindi mo na magagawang ipakita na mahal mo ang mga magulang mo, mga kaibigan mo, mga "bf at gf" mo and whosoever. Life is so short daw kasi...hmmm, hindi naman, short lang pala. Kaya...na-realize ko (uli) na ther's more to life than just going with the flow and being tamad.
At dahil fresh na fresh pa rin sa puso ko ang realization kong iyon...I want to share it with everyone!! At gusto ko pala munang mag-start sa sarili ko. Mamahalin ko ang sarili ko no matter what. Kahit na I'm tamad:-) I love me love me...
Sana naman may natutunan kayo sa post ko, 'no? Sayang nga, e. Hindi ko ito na-post nung Araw ni Valentin. E, panu nga 'di ba, may sakit ako that time...(No, hindi katam ang ibig kong sabihin. I was having blues that day kasi Valentines na Valentines hindi dininig ng mga parents ko ang request ko na taasan ang allowance ko for the week. Tuloy, na-spent ang halos 50% ng baon ko sa kabibili ng gifts para sa mga friends ko...na dapat sana'y 'di ko na ginawa:-P. Ayan, namulubi ako for the next 14 days. Kung kanikanino ako nangutang. At sa katunayan pa nga ay up to this very moment ay baon ako sa utang...sa susunod nga, tuturuan ko na ang sarili kong magpaka-chippangga). Naniniwala naman ako na pasok pa rin ang post na ito sa Love Month:-P Naihabol pa...
Haay... Hanggang ngayon nga, lutang pa rin ako. Kung anu-ano na ang sinasabi ko....Panu, till next post!! Kung masusundan pa....:-D
welcome back Mischa!!!!!!
ReplyDeleteLagi ko sinasabi sa mga friends ko sa FB.. be happy always.. enjoy life..
ReplyDeleteenjoy life.. explains everything..
maligayang pagbabalik sayo...
sana nextime wag ka ng tamarin..hehe
ReplyDelete:))
Love is for the living. - yeah right! =)
ReplyDelete