Wednesday, February 23, 2011

Love is for the living...

             WoooH!! I'm back sa blogger. Grabe antagal ko din nawala dito. Ano nga bang pinagkaabalahan ko this past few days????

             Hmmmm, actually, wala rin akong excuse letter na maibibigay(O.O parang sa classroom lang, a!)...Kung may medical certificate lang sana na maibibigay ang doktor sa sakit na KATAM. Katamaran:-).
 Oo na, Inatake ako ng katamaran sa pagsulat last week. I hate to admit kasi nakakahiya (wow, para namang may kahiya-hiya pa sa buhay ko!!). Kasi sa totoo lang, common na sa mga Pilipino ang sakit na iyon. Flaw nga bang matatawag iyon? Kung hindi siya "flaw" e, ano?
       
           I'm not proud of being tamad! Kaya nga gusto ko nang magpa-lay hands sa mga pastor ng Jesus Is Lord para ma-drive out na ang espiritu ng katamaran sa katawan ko. At dahil nasama na rin ang pangalan ni Lord sa usapan, gusto ko nga palang magpasalamat sa kanya. Nabago ang takbo ng buhay ko ngayon. Bakit, dahil nabago ang perspective ko sa buhay:-D At dahil nga nandito nga naman ako para magdaldal, allow me to share my realization to you all...

         Love is for the living. Habang buhay ka, you've got the million-dollar opportunity to love the people around you. At hindi lang pala siya opportunity...it's a gift. And know from who??? Kay Lord (O, di ba, nasasabi ko na ang pangalan Niya sa blog ko. Meaning, I got the chance to get close with Him. Haha. Close na kami ni Bro!!!) Kaya nga there's a reason why they call it Love Life....

        Hmmm, alam ko obvious naman ang bagay na iyon sa mga tao ngayon. Alam ko alam niyo narin 'to...Pero la lang, I'm happy pa rin kasi kahit papaano may na-realize na naman ako. Kahit na siguro tingin ng iba it's so "petty". Kahit na ba. Na-realize ko kasi na 'pag patay ka na, hindi mo na magagawang ipakita na mahal mo ang mga magulang mo, mga kaibigan mo, mga "bf at gf" mo and whosoever. Life is so short daw kasi...hmmm, hindi naman, short lang pala. Kaya...na-realize ko (uli) na ther's more to life than just going with the flow and being tamad. 

        At dahil fresh na fresh pa rin sa puso ko ang realization kong iyon...I want to share it with everyone!! At gusto ko pala munang mag-start sa sarili ko. Mamahalin ko ang sarili ko no matter what. Kahit na I'm tamad:-) I love me love me...

       Sana naman may natutunan kayo sa post ko, 'no? Sayang nga, e. Hindi ko ito na-post nung Araw ni Valentin. E, panu nga 'di ba, may sakit ako that time...(No, hindi katam ang ibig kong sabihin. I was having blues that day kasi Valentines na Valentines hindi dininig ng mga parents ko ang request ko na taasan ang allowance ko for the week. Tuloy, na-spent ang halos 50% ng baon ko sa kabibili ng gifts para sa mga friends ko...na dapat sana'y 'di ko na ginawa:-P. Ayan, namulubi ako for the next 14 days. Kung kanikanino ako nangutang. At sa katunayan pa nga ay up to this very moment ay baon ako sa utang...sa susunod nga, tuturuan ko na ang sarili kong magpaka-chippangga). Naniniwala naman ako na pasok pa rin ang post na ito sa Love Month:-P Naihabol pa...

        Haay... Hanggang ngayon nga, lutang pa rin ako.  Kung anu-ano na ang sinasabi ko....Panu, till next post!! Kung masusundan pa....:-D

Sunday, February 13, 2011

Hapi Pre-Valentines Day!!!

              Sunday ngayon. Dapat gagala ako with my classmate pagkatapos naming mag-simba kaya lang, hindi naman ako pinayagan ni Mother Superior...T^T. Nung si Tatay naman yung niyaya ko, sabi niya may date daw sila ni Mother Superior. Yung mga kapatid ko naman, may mga kanya-kanyang agenda rin.


            Sabi ko tuloy sa sarili ko: Andaya naman! Lahat ng tao sa bahay may mga kanya-kanyang ka-HHWW. Samantalang ako, andito sa bahay, nanonood ng ASAP. Kakain na nga lang ako ng ginisang gulay!


           So, kumain na nga lang ako ng ginisang gulay. Habang lumalapang ako ng aking pananghalian, naalala ko..Oonga pala, bukas na Valentines Day. Sure ako, pagpasok ko bukas ng school, puro blooming 'sila'. Sure ako, madaming magpapalitan ng mga regalo, roses, dedications at cheesy lines...Jeez, I hate those stuffs!!(Kunwari galit ako^.^). Hopeless Romantic ako pero ayoko ng naiinggit. Paano na lang pala kung wala akong matanggap bukas? Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa mga mahaderang classmates ko??? 'Wag na lang kaya ako pumasok bukas?


          Pero No!! Pag hindi ako pumasok bukas, mas lalo lang akong magmumukhang kawawa. Iisipin nilang naawa ako sa sarili ko at para ko na ring inamin na malamig ang Valentines ko(kahit sa totoo lang e, ang init-int dito sa lugar namin). Malay mo naman, may natanggap din ako. Kahit mula sa isang tao lang, pwede na 'yun...tsaka Valentines is not about material things naman, di ba? Bakit ba ako masyadong kinakabahan kung wala akong matanggap bukas?


         Oh, well...Kahit na mukhang deppressed ako ngayon, let me greet you Hapi Day pa rin...


         Nag-bunga naman ang pagkain ko ng ginisang gulay kasi pagbalik nila Tatay at Mother Superior mula sa kanilang Pre-Valentine Date( Of all places, sa Manila Zoo pa!!!...joke lang. Nag-Manila Zoo daw sila tapos diretso mall kaya parang ganun na rin..), may baon silang pasalubong sa akin. Naka-plastic ng isang Christian Bookstore kaya malamang libro yun. Pero gulat ako ng makita ko kung ano'ng klaseng libro laman nun...


         "Bible?!?!" wide-eyed na sabi ko pagkakita sa New International Version Bible na kulay Pink(kahit kailan, hindi talaga ako kilala ng parents ko. I hate Pink. Sana Green na lang o di kaya Black). 


            "O, ba't parang gulat na gulat ka sa pasalubong namin sa'yo?" asik naman sa akin ni Mother Superior. Nanlaki rin yung mga mata niya kaya hindi na lang ako nagsalita uli. Andami ko sanang gustong itanong.


           Mother Superior said something na parang ganito: "Dapat lang na 'yan ang basahin mo para maliwanagan ka sa buhay na tatahakin mo pag nag-College ka na...hindi yung kung anu-ano yung mga pinagbabasa mo..."


            Tumango na lang ako kahit na deep inside, nagugulumihanan ako. Hindi ko alam kung ano yung ibig niyang ipakahulugan nang sabihin niyang "kung anu-ano na lang daw binabasa ko". Ano sa mga binabasa ko ang tinutukoy niya? Mga Pocketbooks O mga Blog entries?(lately kasi, napapansin ni Mother na panay ang tipak at tutok ko sa Laptop ko..) Or baka naman both?


          Pero Hapi, Yipee, Yehey pa rin ako. Yung NIV Bible na yun kasi yung first gift na na-receive ko mula sa parents ko ngayong 2011. Memorable pa rin.


          Pero hindi ko talaga ma-gets mga magulang ko ngayon? Malapit na bang magunaw ang mundo kaya gusto nila akong busugin ng Word Of God?? Wala namang problema sa akin 'yun, e. Yun nga lang...Bible as a Pre-Valentines Day gift? From my Parents???


            Hmmm, mamaya nga kokonsultahin ko ang aking Jeprox na tatay about this...

Friday, February 11, 2011

Pumpampumpampum!

            Hindi ata araw ngayon ng mga cute. Nahulog ako sa hagdan kanina sa school. Grabe, nasira poise ko. Buti na lang nauna sa pagbaba ng hagdan yung kasama ko. At dahil nakatalikod siya sa akin, hindi niya nakita yung 'crime' ko. Napatayo agad ako bago pa siya lumingon.

            "Ano'ng nangyari sa'yo, dear?"
            "Wala lang." Gusto ko sanag ikuwento sa kanya yung nangyari sa akin para naman matawa siya kaya lang naisip ko, 'wag na lang. Hindi naman niya nakita, e.
            "Akala ko, nahulog ka."
            "Hindi, a." Hindi ka nagkakamali!
            Lumingaon ako sa likuran ko and to my surprise...andami palang College students sa second floor. May isang group ng mga babaeng College 'dun na titig natitig sa akin. Parang hinihintay pa nila yung part two ng Royal Slide ko. Tapos hindi pnakaligtas sa mga mata ko yung ginawa nilang paghahagikgik.
         
            Gusto ko tuloy maiyak. Pinagtatawanan nila ako, hindi ko naman sila kilala...At ang kakapal ng mukha nilang pagtawanan ako! Mga mukha naman silang tuod, hindi sila magagaganda!!( Akala mo kung sino akon maganda kung makalait, e, 'no?)

            Nung makababa na kami ng Ground Floor, saka ko lang uli sinulyapan yung letseng hagdanan kung saan ako nag-slide.

            Goodness, ilang baitang ba iyon, anim?

            Saka ko lang naalala( at naramdaman) na masakit pala ang pang-upo ko. Hindi ako nagpahalata sa kasama ko na namimilipit ako sa sakit. Awang-awa ako sa sarili ko. Nag-echo sa utak ko 'yung sound effects ng pagkakahulog ko.

           Pumpampumpampum...

          Sira tuloy buong araw ko.

Thursday, February 10, 2011

Cute pala, ha...

            Yesterday, I had this conversation with my genius classmate and secret-crush. Itago na lang natin siya sa pangalang "Apollo". Small talk lang naman. Unlike me ksi, Apollo is so tahimik. Shytype, ganun. Hindi siya mukhang nerd pero para siyang nerd... Mahilig kasi siya sa libro tapos magaling pati siya sa Math and Science. Only flaw niya, addicted siya sa Online Games. Lagi din siyang Online. Pero okay lang 'un sa akin^^. Cute naman siya, e. :-P

            Sa classroom namin, ubod talag siya ng tahimik. Mga kinakausap lang niya, yung mga kapwa niya boys. Kaya naman nang tabihan niya ako at magsimula siyang kausapin ako, muntikan na akong himatayin! First time kasing mangyari na siya yung lumapit sa akin. Dati kasi, nakakausap ko lang siya 'pag nagiging magkagrupo kami( which is laging nangyayari, ewn ko ba ). Yung tipong pure academics lang ang pag-uusapan. Pero nung araw na iyon, tinabihan niya talaga ako ng upuan. Kinausap pa niya ako.

           Ito ang ilan sa mga naging palitan namin ng salita:

           "Mish..." narinig kong tawag sa akin ni Apollo matapos niyang maupo sa upuan ni Zes( my darling friend na katabi ko).
         
          Nag-angat ako ng tingin mula sa tinatapos kong assignment sa Calculus. Nagulat pa nga ako kasi na-realize ko na dikit na dkit yung upuan niya sa upuan ko. Ang lagay tuloy, e, ang lapit ng mukha ko sa mukha niya. "Yo?"

         "Sasama ka ba ng JS?"

          Natigilan ako sa tanong niya. It was not the question I was expecting from him to ask me. Bakit, mag-vovolunteer ba siyang maging date ko??? Aba'y kung ganun, hinding-hindi ako tatanggi!!! "Oo naman!," sagot ko na lang. "Bakit?" kilig na kilig na tanong ko . Pero siyempre hindi ako nagpahalata. Mamaya, isipin niya na malandi ako. Baka ma-turn off.

         Sabi niya, secret daw. E, ako, 'pag mga ganyang sagot, 'di talag ako nakokontento. Pinilit ko siya ng pagkatakut-takot.

         "Akin na lang iyon," sabi niya. "Ang kulit mo."
        
         "Curious lang naman ako, e. Bakit ba kasi?" nagpaawa-effect ako sa harap niya. At the same time, nagpa-cute na rin. Sa wakas bumigay rin siya.

         "'Di ba kilala mo yung kapatid kong Third Year?"
         "O? What about him?" I don't care about him! Ikaw ang gus2 ko!!!
         "Gusto niya kasing mag-request sa Committee na ipartner siya sa'yo..."
          Kumunot agad ang noo ko. "Bakit?" Ayoko nga! Ikaw nga ang gus2 ko!!!!
         "Ano kasi...Crush ka 'non."
         Laglag panga ko. "WEH?!"
        "Wag mo sasabihing sinabi ko sayo, ha? Mahihiya 'yun. Mahiyain kasi yun, e."
    
          A. Parang ikaw. Magkapatid nga talga kayo...
         Nagpatuloy si Apollo. "Kunwari, hindi mo alam na crush ka niya. Gusto kasi 'non, maging close kayo. Bago man lang daw tayo g-um-raduate."
         "So, ikaw ang dakilang tulay?"
         "Ano?"
         "Irereto mo siya sa akin?"
         "Oo, sana..."
         Napalunok ako sa mga pinagsasabi ng kaharap ko. Oo nga at nakaka-flatter ang masabihan na crush ka ng isang tao. Lalo na sa part ng mga teenagr na babae. Pero nung mga time na 'yon, 'di ko magawang kiligin. touched ako, pero hindi ako kinilig.
        Crush ako...ng kapatid ng crush ko! At yung crush ko naman, walang kaalam-alam na crush ko siya. Gusto pa akong "ibigay" sa kapatid niya. Kung hindi ba naman tanga!
        "Bakit kasi ano, e..." sabi ko.
        "Bakit kasi ano?" tanong ni Apollo.
        Bakit kasi hindi na lang tayo? "Bakit ako yung nagustuhan ng utol mo? E, ang dami namang magagandang juniors, a!" maktol ko. Tutol talaga ako sa ideyang magiging "brother-in-law" ko si Apollo!
       Nagkibit-balikat si Apollo-dearest. "YOU'RE CUTE KASI..."

       Nag-twitch ata ang puso ko sa sinabi niya.Napa-straight tuloy yung likod ko sa upuan ko. Again, they were not the words I was expecting from him to say to me. Akala ko ba, mahiyain siya at 'di marunong makipag-usap sa babae? Yet, there he was, making me the happiest girl on earth by just telling me I'm Cute:-).

      I'm Cute pala, ha...Then, why don't you ask me out?
      Sasabihin ko na sana 'yon nang biglang tawagin sa Apollo ng isa pa naming classmate na EPAL Tumayo tuloy si Apollo tapos iniwan ako.
      Just like that. Laglag uli panga ko. Yun lang 'yon? Wala ba talaga siyang balak na i-date ako, pagkatapos niya akong sabihan na CUTE? Not that I was desperate or something...Pero haller?! Supalpal kaya beauty ko!!!
    Akala ko pa naman nung lapitan niya ako tapos magtanong kung sasama ako ng Prom, interested na siya sa akin. Antaas na sana ng hopes ko kasi 'di ba nga, miminsan lang kaming magkausap ng geek na iyon?!

           At ako naman si Feeling...Bakit pa ba ako umasang magkakagusto rin yun sa akin???
           Hay, naku! Sa totoo lang, nahihiwagaan na ako sa lalaking iyon! Onti lang barkada niya. Puro boys pa. Wala siyang GF. Never pa ata siyang nagka-GF. Sobrang organized ng buhay at mga gamit niya (Jeez, exact opposites talag kami!). Hypochondriac pa ata ang loko. Takot sa Germs...Minsan ko nang naitanong sa sarili ko...IS HE GAY???
          Juskoh! 'Wag naman po sana! Susumpain ko sarili ko once na mapatunayan kong nagkagusto ako sa isang bading!!!!

         Yamot na yamot ako pagkatapos 'nung conversation namin. Hindi ko tuloy natapos yung assignment ko sa Calculus. Antanga ko talaga! Nakatabi ko na si Boy Genius, hindi pa ako nag-patulong sa kanya...

         Lunch. May baon akong Ginisang Ampalaya na favorite dish ko. Pero wala akong ganang kumain noon. Nakita ko sa Counter, may Bulalo. Hindi ako mahilig 'dun pero nung time na yon, parang gusto kong mag-Bulalo.
         Correction, gusto kong magpakalasing sa Bulalo.

Tuesday, February 8, 2011

Ooh na, na, na...What's my name? =)

         Hello, sa lahat ng mga gwapo't magagandang madlang bloggers! Sabi ng kuya-kuyahan kong si Kuya Esjay na isang Netizen, nararapat lang daw na ako'y magpakilala kung ako'y magsisimulang gumawa ng blog para naman daw ma-appreciate ako ng mga mambabasa (Like you don't have anything better to do than read blog entries from some unknown teener in Metro Manila. Sa totoo lang, ako nga e naguguluhan sa sarili ko; hindi ko alam kung anong tatak ng toyo ang pumasok sa isip ko at nandito ako ngayon...nagba-blog, like I have all the time in the world...Wala naman kasi talaga akong hilig sa pag-ju-journal at kung anek-anek na ganyan. Hilig ko lang talaga, gayahin ang mga ginagawa ng iba =P).
        So, Again, I'm Mischa. 16 yo Highschool student na walang magawa sa kanyang free time. Here are sum (ir)relevant facts 'bout me:

1. I'm so much obsessed with the color GREEN. (Kasi) Pangarap kong magkaroon ng buhok na kulay GREEN. Ayoko ng dark. Gusto ko yung talagang maingay na kulay. Tipong nagpapapansin. Ganyan kasi ako. KSP.

2. Proud Supporter ako ni Julia Montes( Trivia: Alam ko ang tunay na pangalan niya dahil naging classmate ko siya nung Kinder ako =P. Pero hindi ko sasabihin...pilitin niyo muna ako! HAHA). Like na like ko ang Character niya sa MaraClara. Pareho kasi kami. Pareho kaming maganda!

3. I'm a good student (???) I love going to school (WEH?) I'm an Honor Student (Pramis, I'm telling the truth this time). YET, I suck at MATH.

4. Adik ako...sa POCKETBOOKS! Haha! One tym, nahuli ako ng nanay ko na nagbabasa ng isa. Kinuha niya tapos pinagpupunit niya sa harapan ko. Isang libro lang iyon pero iniyakan ko talaga ng bonggang-bongga. As in. Dinig na dinig sa buong kabahayan namin ang ngawa ko nung time na iyon.
       Alam niyo ba kung ilang taon ako nang mangyari iyon? Eleven. Ten ako nang magsimula akong mahilig sa pagbabasa ng pocketbooks. Adik.

5. Nakatira ako sa "KUMBENTO"...

6. Over-protective Nanay ko. Kuripot pa. Tsaka pakialamera. May sarili siyang CP pero laging pinakikialaman ang CP ko. Andami niyang alam pero andami niya pang gustong malaman...'kaloka.Tawag ko sa kanya, "Mother Superior". Behind her back iyon, a. Tulad nga ng sinabi ko, kumbento bahay namin. Pero minsan, parang PBB house na rin. Lahat ng ginagawa mo, nakikita. Tamang-tama, malalaki ang mga mata ni "Mother Superior". Madami talaga siyang makikita.

7. Tag team kaming dalawa ng tatay ko sa bahay namin. Kami lang ang magkakampi. Lagi kasi kaming "inaapi" ni Mother Superior. Kaya ayoko mag-stay sa bahay namin 'pag wala tatay ko. Wala akong "Guardian Angel".

8. Call me "Tatay's Girl". I'm proud of it. I't's my badge of Honor. "tatay" ang tawag ko sa erpats ko kasi ayaw niyang magpatawag ng "daddy". Hindi naman daw kasi kami mayaman kaya 'wag daw kaming mag-feeling. Tska sabi niya, mas masarap daw sa pandinig niya ang "tatay". Tunog-Barako. Parang Kape lang. Jeproks kasi tatay ko. At paniwalang-paniwala siyang siya'y ASTIG. Parang ako lang =D.

9. Magulo ang utak ko. May pagka-burara ako sa mga desisyon ko sa buhay (at sa mga gamit ko sa bahay!) pero may ambisyon ako. At 'yon ay ang makapunta sa HONG KONG DISNEYLAND!!
     Haha!...at magkaroon ng career as a 'romance novel writer'. Pero ayus lang kahit 'novel writer' lang. Or simply 'writer'. Basta gusto ko rin makapag-sulat someday...

      SO...Ayan! Wala nang katagu-tago sa buhay ko. Hanggang sa susunod na paglaladlad. I mean, wala namang masama kung magladlad ako dito....
        Right?

                                                                                     Huge Hugs,
                                                                       Mischa